Ang Iyong mga Tanong Tungkol sa Measure B, Sinagot

Alamin kung paano gagana ang iminumungkahing buwis sa benta ng county, kung paano magagamit ang pondo, at kung ano ang maaaring isaalang-alang ng mga botante.

People stand along the shore of a tree-lined lake as birds fly over the water.

Ano ang Measure B?

Ang Measure B, ang San Diego County Health & Safety Act, ay isang inisyatiba ng mga mamamayan para sa kalahating sentimong buwis sa pagbebenta sa buong County na nasa balota ng Nobyembre 2026 upang tugunan ang kakulangan sa badyet ng pederal at estado.

Ang Measure B ay isang inisyatiba ng mga mamamayan. Sa isang inisyatiba ng mamamayan, kailangang makakuha ng takdang bilang ng lagda upang makasama sa balota. Ang San Diego County Health and Safety Act ay nakapagsumite ng mahigit 167,000 lagda noong Mayo 2026, ayon sa iNewssource.

Kung maipapasa sa pamamagitan ng mayoryang boto sa halalan sa Nobyembre 2026, tinatayang makakalap ang buwis ng $400 milyon–$450 milyon bawat taon para sa limang sektor: krisis sa sewage sa Ilog Tijuana, pangangalaga sa bata, pangangalagang pangkalusugan, seguridad sa pagkain, at kaligtasang pampubliko.

Cyclists pass a building mural spelling “Chula Vista” in large colorful letters.

Pumunta sa

Tungkol sa Measure B

Naging kwalipikado ang Measure B para sa balota matapos makapagsumite ang mga organizer ng sapat na balidong lagda ng mga botante. Ang mga botante sa San Diego County ang magpapasya kung ipapatupad ang iminumungkahing buwis sa pagbebenta sa buong county.

Kailangan ng Measure B ng simpleng mayorya, o higit sa 50% ng mga botong inilaan para sa panukala. Dahil ang mga mamamayan ang naglagay ng panukalang ito sa balota, ibang panuntunan sa pagboto ang ipinapatupad ng batas ng California kumpara sa ilang buwis na inilalagay sa balota ng lokal na pamahalaan.

Ang Measure B ay lilikha ng tuluy-tuloy na lokal na pondo para sa krisis sa sewage sa Tijuana River, pangangalaga sa bata, pangangalagang pangkalusugan, seguridad sa pagkain, at kaligtasan ng publiko. Maaari ring mangutang ang County base sa inaasahang kita ng Measure B sa hinaharap upang makatulong sa pagbabayad ng ilang malalaking proyekto.

Ang Measure B ay tinatayang makakalap ng humigit-kumulang $400 milyon–$450 milyon bawat taon. Ang aktwal na halaga ay maaaring tumaas o bumaba depende sa mga nabubuwisang benta at sa ekonomiya. Ang pagtatantyang ito ay hindi garantisado.

Ang plano sa paggastos ay naglalaan ng:

  • 60% para sa pangangalagang pangkalusugan, pangangalaga sa bata, seguridad sa pagkain, at iba pang serbisyo para sa mga bata at pamilya
  • 22.5% para sa krisis sa sewage sa Tijuana River
  • 16% para sa kaligtasan ng publiko, pag-iwas sa wildfire, at pagtugon sa emergency

Hanggang 1.5% ng kita ang maaaring gamitin para sa administrasyon at pangangasiwa. Ito ay maximum na halaga lamang at hindi kinakailangang antas ng paggastos.

Ang panukala ay magdaragdag ng kalahating sentimong sales tax sa mga binili na may buwis na sa San Diego County. Ibig sabihin, may dagdag na 50 sentimo sa bawat $100 na binili ng may buwis.

Karamihan sa mga grocery, kwalipikadong gamot na may reseta, at upa ay karaniwang hindi sakop ng sales tax sa California. Ang dagdag na kalahating sentimo ng Measure B ay ipapataw lamang sa mga dati ng pinatawan ng buwis.

Ang dagdag na kalahating sentimo ay ipapataw sa mga pagbiling sakop na ng sales tax sa California. Ang mga halimbawa nito ay damit, elektroniko, muwebles, pagkain sa restaurant,at karamihan ng mga binibiling sasakyan. Maaaring magbago ang mga panuntunan sa buwis depende sa item.

Nag-iiba-iba ang mga rate ng sales tax sa buong San Diego County. Magdaragdag ang Measure B ng 0.5 percentage points sa rate kung saan ginawa ang isang taxable na pagbili.

Ang sales tax sa Lungsod ng San Diego ay 7.75%. Itataas ito ng Measure B sa 8.25%.

Hindi. Ang Measure B ay isang espesyal na buwis. Ibig sabihin, ang pondo ay magagamit lamang para sa mga layuning nakalista sa panukala.

Hindi. Ang buwis ay ipapataw sa mga taxable na pagbili na ginawa sa San Diego County. Ang mga residente, commuter, at bisita ay magbabayad nito lahat kapag gumagawa ng mga taxable na pagbili rito.

Ang San Diego County ay tumatanggap ng humigit-kumulang 32 milyong bisita bawat taon. Magbabayad din ang mga bisita ng buwis kapag gumagawa ng mga taxable na pagbili sa loob ng county. Ang eksaktong bahagi na babayaran ng mga bisita kumpara sa mga residente ay magbabago depende sa antas ng turismo, gawi sa paggastos, at mga uri ng binibili.

Hindi. Ang Measure B ay lilikha ng tuloy-tuloy na buwis na walang awtomatikong petsa ng pagtatapos.

Oo. Papayagan ng Measure B ang County na mangutang base sa kikitain sa hinaharap para sa ilang malalaking proyekto, gaya ng mga pasilidad sa paglilinis ng wastewater. Ang mga proyektong iyon ay dadaan pa rin sa mga panuntunan ng County sa pagpaplano, pagbabadyet, at pagbili.

Sisumulan ng county ang pangongolekta ng karagdagang kalahating sentimong sales tax at ipapatupad ang plano sa paggastos. Magsisimula rin ang mga audit, pangangasiwa, at pag-uulat sa publiko. Maaaring mangailangan ng panahon bago magsimula ang ilang programa at malalaking proyekto.

Hindi magkakabisa ang bagong buwis sa benta sa buong county at ang nakalaang pondo nito.

Pangangasiwa at Pananagutan

Hinihingi ng Measure B na magkaroon ng isang 11-miyembrong Citizen Oversight Committee, taunang independiyenteng audit, at mga pampublikong ulat. Susuriin ng komite ang paggastos at kumpirmahin kung ang pera ay ginamit ayon sa hinihingi ng Measure B.

Ang komite ay binubuo ng mga taong eksperto o may karanasan sa mga larangan tulad ng pananalapi ng publiko, kaligtasang pampubliko, kalusugang pampubliko, pangangalaga sa bata, agham pangkapaligiran, negosyo, paggawa, at mga apektadong komunidad. Ang County Auditor ay makikibahagi rin sa isang tungkuling itinakda ng panukala.

Hindi. Ang mga halal na opisyal ay hindi magsisilbi bilang mga miyembro ng komite. Kailangang matugunan ng mga miyembro ang karanasan at iba pang mga kinakailangang nakalista sa Measure B.

Oo. Hinihingi ng Measure B ang taunang independiyenteng audit at mga pampublikong ulat na nagpapakita kung paano nakolekta at ginastos ang pera. Mag-uulat din ang Oversight Committee kung ang paggastos ay sumunod sa mga panuntunan sa Measure B.

Sa ilang mga lugar, kabilang ang ilang partikular na serbisyong pangkalusugan, nakasaad sa Measure B na ang pera ay dapat idagdag at hindi ipalit sa kasalukuyang pondo ng county.

Nakasaad sa Measure B na ang pera ay kontrolado sa lokal na antas at maaari lamang gamitin para sa mga layuning nakalista sa panukala.

Kasama sa Measure B ang mga panuntunan para sa pagsasagawa ng aksyon kung sakaling magamit ng mali ang pondo. Maaaring matukoy ng mga audit at pampublikong ulat ang mga problema, at ang mga pinaghihinalaang maling paggamit ay maaaring isangguni sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas na nakasaad sa panukala.

Iba't Ibang Pananaw at mga Dapat Isaalang-alang ng mga Botante

Gagamit ang Measure B ng lokal na buwis sa pagbebenta (sales tax) upang bayaran ang mga serbisyong nakalista sa panukala. Maaaring isaalang-alang ng mga botante kung ang sales tax ba ang tamang paraan para makalikom ng pera, kung paano ito makakaapekto sa mga tao at negosyo, at kung dapat bang pederal o lokal na pamahalaan ang sumagot sa mas malaking bahagi ng gastos.

Ibibigay ng Measure B sa county ang responsibilidad sa pangongolekta at pamamahala ng pera. Maaaring isaalang-alang ng mga botante kung ano ang dapat na maging papel ng county sa mga isyung ito at kung paano dapat hatiin ang responsibilidad sa pagitan ng pederal at lokal na pamahalaan.

  • Kailangan ang lokal na pondo dahil hindi tiyak ang pondo mula sa pederal at estado. 
  • Ang tuloy-tuloy at nakalaang pondo ay makakatulong sa pagbabayad para sa mga pangmatagalang proyekto sa Tijuana River at iba pang serbisyo. 
  • Ang lokal na pangangasiwa, taunang pag-audit, at mga pampublikong ulat ay makakatulong upang ipakita kung paano ginagastos ang pera. 
  • Ang lokal na pondo ay makakatulong upang maging mas pare-pareho ang mga serbisyo at mabawasan ang mga kakulangan.
  • Ang San Diegans for Health and Safety ay sumusuporta sa Measure B.
  • Ang panukalang ito ay magtataas ng sales tax sa county, na magpapataas ng mga gastusin para sa mga mamimili at negosyo. 
  • Ang pederal na gobyerno ng Mexico at U.S.—hindi ang mga lokal na nagbabayad ng buwis—ang dapat na sumagot sa mas malaking bahagi ng mga gastusing ito. 
  • Dapat dumaan sa masusing pagsusuri ang paggastos ng gobyerno bago lumikha ng bagong pangmatagalang pagkukunan ng pondo.
  • Dapat munang gastusin nang tama ang mga kasalukuyang pondo ng publiko bago magpatupad ng bagong buwis.
  • Ang San Diego County Taxpayers Association ay tumututol sa Measure B.

Ang isang tuloy-tuloy na pagkukunan ng pondo ay makapagbibigay ng matatag na suportang pinansyal at makakatulong sa pagbabayad ng malalaking proyekto sa loob ng maraming taon. Maaari ring isaalang-alang ng mga botante kung ang isang buwis na walang nakatakdang katapusan ay nagbibigay ng sapat na kakayahang umangkop habang nagbabago ang mga pangangailangan at badyet.

Papel ng San Diego Foundation

Ang SDF ay isang 501(c)(3) community foundation at ang tanging regional community foundation sa San Diego na sumusuporta sa buong county.

Ang misyon ng SDF ay magbigay-inspirasyon sa pangmatagalang pagkakawanggawa at paganahin ang mga solusyon sa komunidad upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa ating rehiyon.

Sa loob ng mahigit 50 taon, pinagsama-sama ng SDF ang mga donor, nonprofit, lider sibiko at mga katuwang sa komunidad upang tumulong sa pagtugon sa mga pangunahing hamon sa buong San Diego.

Matagal nang nagtatrabaho ang SDF sa mga isyung nakatuon sa Measure B, kabilang ang kalusugan ng kapaligiran, pangangalaga sa bata, pangangalagang pangkalusugan, seguridad sa pagkain, at pagtugon sa krisis.
Ang layunin namin ay magbigay sa mga botante ng San Diego ng malinaw, makatotohanan, at walang kinikilingang impormasyon upang makapunta sila sa mga presinto nang may sapat na kaalaman, tiwala, at handang gumawa ng sariling desisyon.

Ipinaliliwanag ng site na ito ang:

  • Ang mga hamon sa komunidad na may kaugnayan sa Measure B
  • Paano gagana ang iminumungkahing half-cent sales tax ng County
  • Paano magagamit ang pondo
  • Paano susuriin at iuulat ang paggastos
  • Iba't ibang pananaw na maaaring isaalang-alang ng mga botante

Krisis sa Sewage sa Ilog Tijuana

Maraming sanhi ang krisis na ito. Kabilang dito ang mga lumang sistema ng wastewater, hindi ginagamot na sewage sa imburnal, maruming runoff, sewage, basura, paglaki ng populasyon, at tubig-baha. Dahil tumatawid ang ilog sa hangganan ng Estados Unidos at Mexico, kailangang magtulungan ang mga ahensya sa magkabilang bansa.

Nag-uulat ang mga residente ng pananakit ng ulo, pagduduwal, problema sa paghinga, at iba pang alalahanin sa kalusugan na nauugnay sa polusyon. Ang maruming hangin ay maaaring makaapekto sa mga kalapit na komunidad at paaralan. Ang maruming tubig ay maaari ring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga taong pumapasok sa karagatan. Patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga pangmatagalang epekto nito.

Ang maruming tubig mula sa Ilog Tijuana ay maaaring umabot sa Karagatang Pasipiko. Isinasara ng mga pampublikong ahensya ang mga dalampasigan kapag ipinapakita ng mga pagsusuri na hindi ligtas ang tubig para sa paglangoy, surfing, o iba pang aktibidad sa tubig.

Naglaan na ang Estados Unidos at Mexico ng daan-daang milyong dolyar para sa mga proyekto sa wastewater at mga sistema ng paggamot ng tubig. Patuloy pa ang mga ginagawang hakbang. Ang pangmatagalang pag-unlad ay nakadepende rin sa pagpapanatili, karagdagang pondo, at patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya at ng dalawang bansa.

Maaaring pondohan ng Measure B ang mga proyekto sa wastewater, pag-aalis ng basura at mga debris, pagpapanumbalik ng tirahan ng mga hayop, mga gawaing may kaugnayan sa kalidad ng tubig, at mga tugon na may kinalaman sa kalusugan. Hanggang 22.5% ng kita mula sa Measure B ang maaaring ilaan sa isyung ito. Hindi bababa sa 20% ng kabuuang kita ng Measure B ang dapat mapunta sa mga proyektong idinisenyo upang pigilan ang pagdaloy ng sewage sa imburnal.

Hindi. Ang Measure B ay magbibigay ng lokal na pondo para sa mga proyekto, ngunit hindi kontrolado ng County ang bawat pinagmumulan ng polusyon o bawat sistema ng wastewater. Ang mga resulta ay depende rin sa kung paano itatayo, pananatilihin, at iko-coordinate ang mga proyekto sa ibang mga pamahalaan at ahensya.

Access sa Pangangalaga sa Bata

Ang mga sanggol at paslit ay nangangailangan ng mas mababang ratio ng bata sa bawat staff. Dahil dito, mas mahal ang kanilang pangangalaga. Ang kakulangan sa mga manggagawa, mataas na gastos, at limitadong espasyo ay nagiging dahilan din kung bakit hindi makapagdagdag ng mga bakanteng slot ang mga provider.

Nag-iiba ang gastos depende sa edad ng bata, uri ng pangangalaga, at kung saan nakatira ang pamilya. Ayon sa isang pag-aaral sa rehiyon noong 2022, ang full-time na pangangalaga sa center para sa dalawang bata (isang sanggol at isang preschooler), nang walang tulong pinansyal, ay nagkakahalaga ng $33,929 kada taon.

Ang isang provider ay maaaring lisensyado na mag-alaga ng mas maraming bata kaysa sa kaya nitong pagsilbihan. Ang kakulangan sa manggagawa, mataas na gastos, o mga oras na hindi tugma sa pangangailangan ng mga pamilya ay maaaring magresulta sa mga bakanteng slot na hindi nagagamit.

Ang Head Start ay isang programang pinopondohan ng pamahalaang pederal para sa mga kwalipikadong bata mula pagsilang hanggang edad 5 at kanilang mga pamilya. Nagbibigay ito ng maagang pagkatuto at iba pang suporta. Ang programang ito ay may sariling pamantayan sa kita at para sa mga pamilyang mababa ang kita. Ang mga pagbabago sa pederal na pondo o mga panuntunan ng programa ay maaaring magbawas sa mga lokal na serbisyo at magdulot ng mas malaking pressure sa ibang mga programa ng pangangalaga sa bata.

Maaaring pondohan ng Measure B ang mga pangangalaga sa bata voucher para sa mga pamilya, mga bayad para tulungan ang mga provider na kumuha at magpanatili ng mga manggagawa, at mga serbisyong pangkalusugan para makatulong sa pag-iisip at asal ng mga bata.

Hindi. Ang Measure B ay magbibigay ng pondo para sa pangangalaga sa bata at mga programang pang-early childhood, ngunit hindi nito magagarantiya ang slot para sa bawat bata. Ang access ay nakadepende pa rin sa mga available na provider, manggagawa, mga panuntunan ng programa, at kung kwalipikado ang pamilya para sa suporta.

Abot-kayang Pangangalagang Pangkalusugan

Ang Medi-Cal ay ang programang Medicaid ng California. Nagbibigay ito ng libre o murang health coverage sa mga taong kwalipikado. Ang pagiging kwalipikado ay nakadepende sa kita, edad,at sitwasyon sa sambahayan.

Mahigit 125,000 residente ng San Diego ang maaaring manganib na mawalan ng Medi-Cal. Higit sa 327,000 miyembro ng Medi-Cal sa buong county ang maaari ring maapektuhan ng mga bagong panuntunan o kinakailangan sa pag-uulat.

Ang County Medical Services ay isang programang pangkalusugan ng county para sa mga nasa hustong gulang na may mababang kita na walang insurance o hindi kwalipikado para sa Medi-Cal. Ikinokonekta nito ang mga tao sa pangangalagang medikal sa pamamagitan ng mga ospital, klinika, at iba pang provider.

Ang mga taong walang insurance ay maaaring ipagpaliban ang mga checkup, gamot, o pagpapagamot dahil sa gastos. Ang ilan ay maaaring pumunta sa mga klinika ng komunidad, County Medical Services, o emergency room, na maaaring magpataas sa pangangailangan sa mga lokal na programang pangkalusugan.

Maaaring pondohan ng Measure B ang mga kasalukuyang serbisyong suportado ng Medicaid, County Medical Services, pangangalaga sa pamamagitan ng mga ospital at klinika, pangangalaga sa tahanan, at mga kawani na tumutulong sa mga tao sa pag-a-apply para sa mga programang pangkalusugan. Ang pera ay dapat idagdag at hindi ipalit sa kasalukuyang pondo ng County para sa pangangalagang pangkalusugan.

Hindi. Ang mga panununtunan ng pamahalaang pederal at estado ang nagtatakda kung sino ang kwalipikado para sa Medi-Cal. Hindi babaguhin ng Measure B ang mga panuntunang iyon. Magbibigay ito ng lokal na pondo para sa mga programang pangkalusugan na tumutulong sa mga taong nangangailangan ng pangangalaga.

Hindi. Ang Measure B ay magpopondo sa mga kasalukuyang programa at provider, kabilang ang County Medical Services, mga ospital, at mga klinika. Ang county ang magpapasya kung paano gagamitin ang pera sa pamamagitan ng regular na proseso ng pagbabadyet at pagpaplano nito, alinsunod sa mga panuntunan ng Measure B.

Seguridad sa Pagkain

Ang CalFresh ay bersyon ng California ng SNAP, ang pederal na programa para sa pagkain (Supplemental Nutrition Assistance Program). Nagbibigay ito ng buwanang benepisyo sa pagkain para sa mga kwalipikadong tao. Ang halaga ay nakadepende sa kita, laki ng sambahayan, at mga panuntunan ng pamahalaang pederal at estado.

Inaatasan ng mga bagong panuntunan ng pederal na pamahalaan ang ilang gumagamit ng CalFresh na magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa trabaho at sumailalim sa mas maraming pagsusuri. Ang eksaktong mga panuntunan ay depende sa sambahayan. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring mangahulugan ng mas maraming hakbang para sa mga residente at dagdag na trabaho para sa mga kawani ng County.

Maaaring kailanganin ng mga tao na magpasa ng mga form, magbigay ng mga dokumento, o tumugon bago ang takdang petsa. Ang sinumang makaligtaan ng abiso o hindi makatapos ng kinakailangang hakbang sa tamang oras ay maaaring mawalan ng benepisyo kahit na kwalipikado sila.

Sinusuri ng county ang mga aplikasyon at pag-renew ng CalFresh at tinitingnan kung sino ang kwalipikado. Ang mga bagong panuntunan ng pederal na pamahalaan ay maaaring magdulot ng dagdag na trabaho para sa kawani. Kung walang sapat na kawani at sistema, maaaring tumagal ang pagproseso ng mga aplikasyon at ang ilang kwalipikadong residente ay maaaring makaranas ng pagkaantala sa kanilang mga benepisyo.

Maaari nitong suportahan ang pareho. Maaaring pondohan ng Measure B ang CalFresh at iba pang tulong sa pagkain, pati na rin ang mga kawani ng county na sumusuri kung sino ang kwalipikado.

Maaaring pondohan ng Measure B ang CalFresh, ang mga kawani ng county na sumusuri ng pagiging kwalipikado, at iba pang mga programa ng tulong sa pagkain na nakalista sa panukala. Hindi hihigit sa 7% ng kabuuang kita ng Measure B ang maaaring mapunta sa tulong sa nutrisyon ng CalFresh. Hindi hihigit sa dalawang-katlo nito ang maaaring mapunta sa mga kawani na sumusuri ng pagiging kwalipikado.

Hindi. Ang mga panuntunan ng pamahalaang pederal at estado ang nagtatakda kung sino ang kwalipikado para sa CalFresh. Hindi babaguhin ng Measure B ang mga panuntunang iyon. Magbibigay ito ng lokal na pondo para sa mga programa sa pagkain at mga tauhan ng county, ngunit kailangan pa ring maging kwalipikado at kumpletuhin ang mga kinakailangang hakbang ng mga tao.

Kaligtasan ng Publiko

Ang pondo para sa kaligtasan ng publiko ay maaaring gamitin para sa mga tauhan, pagsasanay, sasakyan, kagamitan, pasilidad, at mga sistema ng komunikasyon. Ang mga mapagkukunang ito ay sumusuporta sa pagtugon sa sunog, paghahanda sa wildfire, pagpapatupad ng batas, at pagpapadala ng 911. Ang pinopondohan ay maaaring mag-iba depende sa county, mga lungsod, mga fire district, at iba pang ahensya.

Ang kaligtasan ng publiko ay responsibilidad ng county, mga lungsod, mga fire district, mga ahensya ng pagpapatupad ng batas, mga medical responder, at iba pang katuwang sa rehiyon. Ang ahensyang tutugon ay depende sa kung saan naganap ang emergency at kung anong uri ng tulong ang kinakailangan.

Ang pagbabawas ng panganib ng wildfire ay tumutukoy sa mga gawaing isinasagawa upang mapababa ang panganib ng wildfire at mabawasan ang pinsala nito. Maaari itong kabilang ang paglilinis o pamamahala ng mga halaman, pagpaplano, kagamitan, edukasyon sa publiko, at iba pang hakbang na ginagawa bago pa man magsimula ang sunog.

Ang imprastraktura ng 911 ay kinabibilangan ng teknolohiya at mga sistema ng komunikasyon na ginagamit upang tumanggap ng mga tawag pang-emergency, tukuyin ang lokasyon ng tumatawag, at magpadala ng tulong. Ikinokonekta ng mga sistemang ito ang mga tao sa mga serbisyo ng bumbero, medikal, at pagpapatupad ng batas.

Ilalaan ng Measure B ang 16% ng kita nito para sa kaligtasan ng publiko, pag-iwas sa wildfire, at pagtugon sa emergency. Ang pera ay maaaring gamitin para sa paghahanda sa sunog, pagbabawas ng panganib ng wildfire, pagpapatupad ng batas, at mga sistemang 911.

Maaari. Magbibigay ang Measure B ng lokal na pondo para sa kaligtasan ng publiko, ngunit ang bilis ng pagtugon ay nakadepende sa maraming bagay. Kabilang dito ang dami ng tauhan, lokasyon, trapiko, dami ng emergency na sabay-sabay na nangyayari, at kung paano nagtutulungan ang mga ahensya.

Ang Measure B ay lilikha ng karagdagang pondo na magagamit lamang para sa mga layuning pinahihintulutan sa ilalim ng panukalang ito.

Impormasyon sa Pagboto

Ang Araw ng Halalan ay Martes, Nob. 3, 2026. Bukas ang mga vote center mula 7 ng umaga hanggang 8 ng gabi. Ang ilang vote center ay magbubukas sa Okt. 24, at lahat ng vote center ay magbubukas sa Okt. 31 para sa maagang pagboto.

Maaari kang magrehistro para bumoto o i-update ang iyong rehistrasyon sa pamamagitan ng California Secretary of State. Ang deadline ng pagpaparehistro para sa halalan sa Nob. 3 ay Okt. 19, 2026. Available ang Same Day Voter Registration pagkatapos ng deadline hanggang sa Araw ng Halalan.‍

Magrehistro para Bumoto
Suriin ang Iyong Rehistrasyon

Ang bawat aktibong rehistradong botante ay makakatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo. Maaaring ibalik ng mga botante ang balotang iyon sa pamamagitan ng koreo o sa isang opisyal na drop box, o bumoto nang personal sa isang vote center. Nagbibigay ang Registrar of Voters ng kasalukuyang impormasyon tungkol sa mga lokasyon, oras, kapalit na balota, tulong sa mga botanteng may kapansanan, at tulong sa wika.

 Tingnan ang mga Opsyon sa Pagboto sa San Diego County

Ang San Diego County Registrar of Voters ang pinakamahusay na mapagkukunan ng impormasyon para sa mga petsa ng lokal na halalan, mga sentro ng pagboto, mga drop box ng balota, mga opsyon sa pagboto, at iba pang impormasyon tungkol sa halalan. Para sa pagpaparehistro ng botante at impormasyon tungkol sa halalan sa buong estado, bisitahin ang California Secretary of State.

Bisitahin ang SDVote.com

Bisitahin ang California Secretary of State

Ang serbisyong Where’s My Ballot? ng California ay nagbibigay-daan sa mga botante na makatanggap ng mga update kung kailan ipinadala, natanggap, at nabilang ang kanilang vote-by-mail na balota.

 Sundan ang Iyong Balota

Alamin ang katotohanan. Manatiling updated.

Mag-sign up para sa mga update tungkol sa Measure B, pananaliksik, at mga kuwento ng komunidad mula sa San Diego Foundation.

* indicates required
Parents play with their baby in a bright living room.